Tuesday, March 3, 2015

RETIREMENT


Lilipas din ang panahon na tayo’y tatanda at hihina na ang katawan. Ito ang panahong hindi na tayo makakapag-trabaho nang katulad ng dati, at kailangan nang tuluyang mag-retiro sa industriya.
Bago pa man dumating ang panahon na ito, dapat ay may nai-tabi tayong “nest egg” fund na bubuhay sa atin sa nalalabing taon dito sa mundo. O di kaya nama’y nakapagmay-ari tayo ng mga paupahang real estate; nakapag-simula ng negosyo; nag-invest sa stock market at iba pang mga cash-generating assets na nakakapag-palago ng ating ipon at nagbibigay ng income.
Sa kasamaang palad, may mga kababayan tayo na hindi nakaka-ipon at nakaka-impok dulot nang mga delubyo sa buhay at meron namang ding dahil sa hindi maayos na financial planning. Dahil rito ay umaasa na lamang sila sa kanilang mga anak o kamag-anak para matustusan ang kanilang panganga-ilangan.
Kung sana’y maaga tayong nakapag-plano at napaghandaan ang estado ng buhay nating ito eh di sana’y mas komportable at payapa ang ating pag-reretiro.
Ikaw, handa ka na ba?

No comments:

Post a Comment