1. Build Your Emergency Fund.
- Para pag-nawalan ng trabaho eh may pera pa tayo para makapag-job-hunting at makapag-simulang muli.
- Dapat meron tayong at least 2 Months worth of our Monthly Living Expenses sa banko para kapag may Emergency eh may mahuhugot tayo.
- The ideal amount should be 12 Months – 24 months worth of living expenses.
2. Save for your Children’s Education
- Dahil walang patid ang pagtaas ng tuition fees, dapat ay paghandaan na natin ito ng maaga ngayon palang.
- Mag-open ng natatanging bank account para rito upang maiwasan na ma-gastos ang allocated budget para sa ating mga chikiting.
3. Keep Records
- Na-tanong mo na ba ito before: Nasaan na napunta ang pera ko?
- Marami nang mga Free Web at Mobile Personal Finance Apps para ma-track natin ang mga gastos. Importanteng alam natin kung saan napupunta ang perang ating pinaghirapan.
- I-ensure rin na ang mga resibo ng iyong Remittances ay naka-record para malaman ang total na napadala.
4. Setup Separate Accounts for Household Expenses, Education, Investing etc.
- Para ma-organize mo ang inyong budget and expenses efficiently.
- Madalas kasi, nakakalito kapag may isang account lang tayo sa banko para sa ating savings, expenses, investment, retirement at iba pa.
- Mas mapapa-dali rin ang pag-pa-Financial Review dahil provided na ng banko ang Monthly Statement ng iyong account.
5. Learn about investing
- Simply saving will not make you wealthy.
- Around 1%-3% per year lang pag-lago ng iyong pera kapag dineposito lang sa banko.
- Matutong mag-invest sa mga Real Estate properties, Mutual Funds, UITF, Bonds, ETF, Stock Market at kung anu pang reliable financial instruments.
6. Find a Process-Based Financial Consultant
- Na-review na ba ng isang Registered Financial Planner (RFP) ang iyong financial portfolio?
- Have a financial coach who can help, teach, guide and monitor you to reach your Goals.
7. Keep you Financial matters Confidential.
- Alam na natin ang storya. Pag-nalaman ng iba na meron tayong pera eh tayo palagi ang u-utangan.
- Huwag hayaan na lustayin lang ng iba ang perang ating pinag-hirapan. Maging ma-ingat sa pera.
May asawa, kamag-anak, kaibigan o kakilala ka bang OFW na nahihirapan sa pag-manage ng kanyang pera? Kung ganun ay i-share mo na ang post or video na ito sa kanila upang mapa-buti ang kanilang kalagayan. Patuloy lang tayo kabayan na mag-sumikap, mag-impok at mag-palago ng ating sarili at naniniwala ako na maaabot rin natin ang matatayog nating mga pangarap. Laban lang
No comments:
Post a Comment