Maihahalintulad natin ang pag-iinvest sa pagtatanim ng puno. Nag-sisimula ang lahat sa isang binhi na itatanim natin sa lupa. Araw-araw ay dinidiligan natin ito hanggang sa ito’y lumaki. Dadaan ang panahon at magiging matayog at matatag na ang pundasyon nito sa puntong hindi na natin ito kailangang alagaan. Bagkus eh ang puno na ating itinanim ay siyang mag-bibigay lilim sa maaraw at maulang panahon. May buwan rin na mamumunga ito ng mga matamis na bunga na maari nating kainin, ipamigay sa mga kapitbahay o di kaya’y ilako sa merkado.
Tulad ng ating mga investment, nagsisimula ito sa isang binhi o yung ating “Seed Money”. Sa ngayon, maari ka nang mag-simulang mag-invest sa ating stock market sa halagang P 5,000 lamang. Sa una eh kailangan nating alagaan ang ating investment sa tuwinang pag-‘dilig’ o pag-hulog ng salapi para mas lumaki pa ang ating pondo. Ang gawain na ito ay maaring tawaging “Peso-cost averaging” o ang pag-dagdag ng kaunting halaga sa ating investment buwan-buwan .
At makalipas ang ilang taon at mga dekada, ang investment nating ito ay siyang magbibigay sustento sa atin sa panahon na hindi na tayo nakakatanggap na buwanang kita sa trabaho. Isang puno/investment na napatatag ng panahon.
Syempre, hindi lalago nang husto ang isang puno over-night, katulad rin nang ating pondo. Kaya nama’y mainam na mag-simula ng maaga para mas matagal ang panahon para mas yumabong ang ating mga investments.
No comments:
Post a Comment